No it's not
"balut" (boiled duck eggs with 10 day old embryos), it's Bilot, a Batangueño term for puppy. I originally would have preferred to use Rage,
or Ragedevil, for my URL but it's already taken so I decided to think of something which is really me. A dog lover from Batangas, I think bilot is perfect fit.
<-- bilot="" div="">-->
Although generally Tagalogs, Batangueños are characterized as having very strong, thick accents and some terms not common to what is generally known as Manileño Dialect or Modern Tagalog. As for me who have been living in Metro Manila for quite some time I learned to adapt my tounge to both Manileñ0 and Batangas Tagalog. I remember talking to some agents in the office and immediately sensing they are from Batangas, they're just quite shocked when they learn I am their kababayan. Learn more about Batangas Tagalog on this
article.
Can you try to see if you will understand this Batangueño story...
Babala isang kuwento na tanging tunay na Batangueno laang ang makakaintindi….
Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arugang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinanapugandan sa mga hantik na guyam at pinabantayan pa sa bilot. Minsan habang pasal na pasal ay naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis, nang biglan na lang siyang napaumis, nahurindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon, naglulupagi sa gabukan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.
Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokang katakut takot, lungkutin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig na maigi ang
Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Wala daw galang sa matanda ang pagerper at dapat daw eh ipabarangay. Naglabas na ng balisong ang Mamay pero may humiyaw ng tulong kaya sa pagkabanas, kumaripas na ng takbo ang Mamay kaya napatid sa tansi na nakaharang sa mga palapang nakabilad na pinapagtungan ng mga pinatutuyong kalamyas. Muntik ng nabungkok, ang Mamay kundi dumating yong kahanggan ng Mamay na nagbabangi nang tulingan.